6 Mayo 2010. Huwebes ng ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Acts 15, 7-21; Psalm 96; John 15, 9-11
Note: This article appears in Pandesal 2010, the bible diary of the Claretian Publications.
Upang maging ganap ang ating kagalakan, wika ni Hesus, magmahalan tayo ayon sa pagmamahal ni Kristo sa atin, at ayon sa pagmamahal ng Ama kay Kristo. Una, ano ang magpapaligaya sa atin? Kadalasan nais nating maabot ang ating pangarap at hinahangad nating maging maayos at malalim ang ating mga ugnayan. Paano tayo magmamahalan nang ganito? Isasakatuparan natin ang utos ng Panginoon: mahalin ang Diyos nang buong puso at mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili.
Kung isasakatuparan natin ito, magiging mapayapa at maunlad ang ating buhay. Walang sakim na kukurakot sa pambansang yaman. Tunay ang paglilingkod sa bayan. Magiging matiwasay ang paglalakbay dahil walang lumalabag sa traffic light. Ngunit bago tayo magturuan, mabuting tanungin natin ang ating sarili: Ano ang aking naitulong?
No comments:
Post a Comment