5 Mayo 2010. Miyerkoles ng ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Acts 15, 1-6; Psalm 122; John 15, 1-8
Sabi ni Gat Jose Rizal, ang hindi lumingon sa pinanggalingan hindi makakapunta sa pinaroroonan. Nagsisikap abutin ang langit ang bawat sangga, ngunit hindi nito maabot ang pangarap hangga’t hindi siya naka-ugat sa puno. Sa pinanggalingan hinuguhot natin ang ating buhay at pagkakilanlan. Halimbawa, kabilang tayo sa angkan kung iisa ang pinagmulan.
Upang umunlad sa buhay at mamungga nang sagana, mamalagi at manatili tayong naka-ugat kay Hesus. Umuunlad na tunay ang mga taong may prinsipiyo sa buhay at hindi humihiwalay sa kanyang pinagmulan tulad ng kapamilya, kaibigan at Diyos. Hinuhugot niya ang inspirasyon sa mismong puno. Kung makaranas siya ng sakuna sa buhay, nanatiling malakas ang loob niya dahil sa mga taong hindi niya iniwanan. Kung sinusubukan ang kanyang prinsipiyo, hindi niya ipinagbibili ito sapagka’t mahalaga sa kanya ang kanyang dangal at pagkakilanlan bilang Anak ng Diyos.
No comments:
Post a Comment