Mapayapa Ba ang Iyong Kalooban?

4 Mayo 2010. Martes ng ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.
Acts 14, 19-28; Psalm 145; John 14, 27-31


Ang kapayapaan, sabi ni San Ignacio de Loyola, ang pahiwatig ng pananahan ng Diyos sa ating buhay. Madaling maibigay ng masamang espiritu ang kaligayahan sa pamamagitan ng makamundong aliw. Ngunit kahit sa gitna ng mga kaaliwang ito, hindi mapayapa ang kalooban ng taong malayo sa Diyos. Nanatiling bagabag at nanghihina ang kalooban nila.

Hindi laging maligaya ang ating buhay. Hindi araw-araw may pagdiriwang ang ating pamilya. Maraming oras na binubuno natin ang ating mga suliranin. Sa loob ng bahay maraming nangyayaring hindi natin ginusto. Ngunit, nanatiling mapayapa tayo sa loob ng ating tahanan dahil alam nating may nauuwian tayong mga taong nagmamahal at minamahal natin. Ganito ang kapayapaan sa piling ang Diyos. Dahil malaki ang ating pagtitiwala sa kanya, napapawi ang ating pagkabagabag. Dahil kumakapit tayo sa pangakong di niya tayo iiwanan, hindi tayo nawawalan ng pag-asa.

No comments: