Gaano Mo Ba Kakilala si Hesus?

3 Mayo 2010. Lunes ng ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
1 Cor 15, 1-8; Psalm 19; John 14, 6-14


Nakikilala natin ang mga magulang sa kanilang mga anak. Hindi lang sa kanilang hitsura, kundi sa kanilang pag-uugali. Dahil lapat-na-lapat at iisa si Hesus at ang Ama, alam na natin kung sino ang Ama, dahil nagpakilala na ito sa kanyang Anak. Dahil dito nang humiling si Felipe kay Hesus na ipakilala nito ang Kanyang Ama, sinabi nito, “Matagal na tayong magkasama, hindi mo pa ako kilala?”

Matagal na rin tayong mga Kristiyano. Nakaikot sa mga rosario, panata at debosyon ang bawat taon na dumaan sa ating buhay. Matagal na ring naglilingkod tayo sa Panginoon. Ngunit hindi isang patunay na kilala natin si Hesus – o ang Ama. Makikilala natin siya sa pamamagitan ng pagdarasal na hango sa bibliya at pagninilay sa ating buhay.

No comments: