29 Mayo 2010. Sabado ng ika-8 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Jude 17, 20-25; Psalm 63; Mark 11, 27-33
Nilapitan ng mga guro ng Batas at Matatanda ng Bayan si Hesus upang tanungin kung anong karapatan ni Hesus upang gawin ang kanyang ginagawa. Hinamon muna sila ni Hesus na sagutin kung kanino galing ang pagbibinyag ni Juan. Ngunit hindi nila alam kung paanong sasagutin: kung sa Diyos, bakit hindi nila sinunod si Juan; kung sa tao, magagalit ang taong-bayan na isang propeto ang akala kay Juan. Dahil hindi nila nasagot ito, hindi rin sila sinagot ni Hesus. Sa ganang atin, alam natin na may karapatan siya dahil tahanan ng kanyang Ama ang Templo.
May mga tanong na masasagot lamang kung magdedesisyon tayong sundan ang isa sa mga pinagpipilian. Halimbawa, ano ang kalooban ng Diyos para sa akin: pagiging doktor or pagiging guro? Hindi niya matatagpuan ang sagot hangga’t hindi niya subukan ang isa. Ganito din kapag nag-iisip ng tamang bokasyon. Kailangan lamang ang lakas ng loob subukan ang isa muna sa mga pinagpipilian.
No comments:
Post a Comment