30 Mayo 2010. Kapistahan ng Tatlong Persona sa Iisang Diyos
Kas 8, 22-31; Rom 5, 1-5; Jn 16, 12-15
Sa misterio ng Banal sa Santatlo, masusulyapan natin ang isang katotohanang sa larangan ng pag-ibig: nagiging isa ang umiibig. Marami na ang nagsabi, na habang lumalalim ang pag-ibigan, nagiging magkamukha ang dalawang nagmamahalan. At habang mas malalim ang samahan, nagiging isa ang kanilang puso’t isipan. May mga mag-asawa akong kilala na alam nila kung may problema ang kanilang asawa, kahit hindi sinasabi. Basta alam nila.
Nakikita sa katahimikan ang pinakamalalim na pag-iibigan ay nakikita: maaaring magsama na tahimik, walang kailangang sabihin, walang kailangang gawin. Doon iisa ang kanilang puso; iisa ang kanilang isip; iisa ang kanilang kaluluwa. Sa araw ng kasal, sinasabi ng magkatipan: “Mabuting Ama, ngayon na kami ay magkadaupang palad, biyayaan mo kami ng isang magandang ugnayan na may isang puso at isang kaluluwa.” Nagkakaisa ba ang ating puso’t isipan sa mga taong minamahal natin?
No comments:
Post a Comment