10 May 2010. Lunes ng ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Acts 16, 11-15; Psalm 149; John 15, 25 – 16,4
Wika ni Hesus, magpapatunay sa Kanya ang Espiritu Santo, at sa gayon, magpapatunay din tayo sa Kanya. Sa korte, tinatanggol ng nagpapatunay o witness ang nasasakdal. Sa gayon, pinakita ng Espiritu na pawang tama at totoo ang sabi at gawa ni Hesus. Upang matamo natin ang kaganapan ng buhay, si Hesus lamang ang gabay.
Ang buhay ng maraming mga banal at bayani ang nagpapatunay sa totoong pananampalataya. Itinuro sa atin na mas higit pa sa anumang bagay sa mundo ang dangal ng tao. Ang mga bayani nating nag-alay ng buhay upang protektahan ang dangal ng Pilipino ang patunay nito. Itinuro sa atin na higit sa lahat, ang Diyos ang siyang ugat at dulo ng ating buhay. Ang mga banal na hindi kailanman tumiwalag sa pananampalataya kahit sa gitna ng pag-uusig at kamatayan ang patunay sa katotohanang ito.
No comments:
Post a Comment