Today's script for Kape't Pandasal, 5:15 AM ABS CBN
Magandang umaga po, kapamilya. Ito po si Fr. Jboy at tayo na po’t magkape’t pandasal. Mahalagang mahalaga ang araw na ito sa ating bayan. Ngayon ang araw ng halalan. Pipiliin natin ang mga manunungkulan sa ating pamahalaan. Nakasalalay sa kanila ang kinabukasan ng ating mga pamilya. Kung gusto nating gumanda ang ating kalagayan, kailangang iboto ang mga taong tunay ang hangaring umunlad at umangat ang moralidad o tamang pamumuhay ng mga mamamayan ng ating bansa.
Mahalagang simulan ang pagboboto ng dasal. Maaaring magdasal bago lumisan ng bahay tungo sa presinto, o kaya’y habang nakapila’t naghihintay. Bakit mahalaga ang pagdarasal? Kapag isinasa-alang-alang natin ang Diyos sa ating desisyon, mawawala o mababawasan ang mga motibasyong hindi tama sa pagpipili. Halimbawa, hindi natin pipiliin ang mga taong alam nating nangungurakot, kahit isa tayo sa mga nakinabang. Hindi natin pipiliin ang walang kaalam-alam kahit sila ay ating mga kamag-anak, kaibigan o kakilala.
Higit sa lahat, kapag isinasama natin ang Diyos sa ating mga gawain tulad ng halalan, nagiging malinis ang ating hangarin. Hindi natin iisipin ang pansamantalang ligaya kapag may magbigay ng pera para iboto natin sila. Hindi natin ipapabili ang ating karapatang makibahagi sa pamamalakad sa ating pamahalaan. Sa kabilang banda, mapapamahal sa atin ang ating buong bansa. Pagdasal natin ang isang malinis, mapayapa at walang dayang halalan. Pagpalain nawa ng Diyos ang Pilipinas.

1 comment:
amen father
Post a Comment