11 Mayo 2010. Martes sa ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Acts 16, 22-34; Psalm 138; John 16, 5-11
Ang nakaugat sa buhay ni Hesus bilang puno ng ubas ang siyang tamang ugnayan natin sa Maykapal. Ang taong may pananalig sa ating mga sinasabi at ginagawa ang siyang may tiwala sa atin. Dahil ang lahat-lahat kay Hesus ang siyang totoo, kumakapit tayo sa kanya. Sa gayon, isang kasalanan ang hindi nananalig kay Hesus.
Nararamdaman natin bilang isang pagkukulang sa buhay kung tumiwalag tayo sa Diyos. Para bagang may kulang sa ating buhay. Kung nararatnan natin ang mga pagsubok, mas matindi ang hirap kapag wala tayong makapitan man lamang; walang mga kaibigang nakikiramay. Higit sa lahat, kapag nakagawa tayo ng karumaldumal, nararamdaman natin ang paghihiwalay sa totoong puno bilang isang lamat sa ating budhi. Kahit hindi natin gamay ang pananampalataya, alam natin na mali ang ating ginawa. Ito ang kalabit ng Espiritu sa atin.
No comments:
Post a Comment