12 Mayo 2010. Miyerkoles sa ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.
Acts 17:15, 22—18:1; Psalm 148; John 16, 12-15
Sabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Marami pa sana akong sasabihin sa inyo pero hindi ninyo masasakyan ngayon.” Ibig sabihin, may mga nais pang ibahagi si Hesus ngunit hindi pa handa ang kanyang mga alagad. Ngunit maiihanda ng Espiritu ang puso’t isipan ng mga alagad upang maunawaan ang mga katotohanang itinuro ni Hesus kasama ang iba pang bagay.
Maraming mga pagkakataong nais na nating sabihin ang isang katotohanan o isang pangyayari, ngunit alam nating hindi pa handa ang taong babahaginan natin. Maaring bata pa upang maintindihan nito tulad sa inampon. Bago pa lamang ang pagkakaibigan o wala pa sa tamang lugar. May mga katotohanang kailangang ipagpaliban sa mas tamang panahon. Isang pagpapakita ito ng pag-unawa, respeto at malasakit. Hinahangad natin ang mas makakabuti ng kapwa, tutal darating ang oras kung saan maaari na itong ilahad.
No comments:
Post a Comment