Ang Hangarin Mo Ba Pansamantala or Magpakailan man?

18 Hunyo 2010. Biyernes ng ika-11 Linggo ng Taon
2 Kings 11, 1-20; Psalm 132; Matthew 6, 19-23

Kapag bumibili tayo ng gamit, nais nating piliin ang mga matibay at pangmatagalan. Ngunit walang gamit sa buong mundo ang hindi napapawi ng mga elemento tulad ng mga peste, kalawang o ng mga magnanakaw. Inaakala natin na ang ating kasiyahan nakabatay sa magagarang damit na sinisira ng kulisap, o sa mga hungkag na kaligayahan.

Nasa puso natin ang mga bagay na hindi maagnas ng panahon; mga bagay na hindi nagbabago sa paglipas ng mga taon. At dahil dito, patuloy ang ating paglalakbay sa buhay. Kung natagpuan natin ang mga kaligayahan sa mundo, hindi na natin kailangang umunlad. Halimbawa, kung hinahangad natin ang ganap na pag-ibig, hindi tayo titigil sa pagmamahal; kung hinahangad natin ang karunungan, hindi tayo hihinto sa pagbabasa.

No comments: