Kayamanang Atin, Isang Responsibilidad

19 Hunyo 2010. Sabado ng ika-11 Linggo ng Taon
2 Chronicles 24, 17-25; Psalm 89; Matthew 6, 24-34


Pagmamay-ari ng Panginoon ang lahat ng bagay. Sa kasukdul-sukdulan, walang bagay ang hindi nagmumula at babalik sa Diyos na siyang tunay na nagmamay-ari nito. Kakabit nito, ang tao ang mas mahalaga kaysa anumang bagay. Kung nakakamit sa masamang paraan ang anumang kayamanan, lalung-lalo na ang nakakasira sa kapwa-tao, masama ang ating ari-arian. Sa ebanghelio, sa Diyos lamang nakalaan ang ating puso. Ginagamit lamang ang anumang materyal na bagay para sa kaluwalhatian ng Diyos.

Dahil dito, hindi kasalanan ang pagmamay-ari ng kayamanan, kundi isang malaking responsibilidad. Depende kung paano natin ito ginagamit. Mabuti ang kayamanan kung para sa ating pamilya at tulong para maiahon sa kahirapan ang mga walang-wala. Ibig sabihin, gamitin ang mga ito ayon sa silbing inilaan ng Diyos para sa mga bagay na ito.

No comments: