Umuunlad ba ang Pagkakilala mo sa Diyos?

20 Hunyo 2010. Ika-12 Linggo ng Taon
Zech 12:10-11; 13:1; Psalm 63; Gal 3, 26-29; Luke 9, 18-24


Umuunlad ang pagkakakilala natin sa Diyos. Tulad ng unang tanong ni Hesus, “Sina raw ako ayon sa sabi ng mga tao?” Nagsisimula ang ating ugnayan sa Diyos bilang isang mana na galing sa ating mga magulang at komunidad. Tinuturo ng ating mga magulang sa atin na ang Diyos ang katakutan kung nakakagawa tayo ng masama. Ang unang karanasan natin sa pag-ibig ng Diyos nangagaling sa ating magulang at kaibigan. Ngunit sa ating kaganapan sa gulang, dumarating ang panahon upang akuin natin ang ating pananampalataya. Hindi na ito ayon sa kung ano ang sinasabi ng mga tao, kundi batay sa ating sariling pagkakilala sa Diyos. Dahil dito, importante ang pangalawang tanong, “Ano naman ang sinasabi niyo kung sino ako?”

Nakasalalay ang paglalim ng ating pananampalataya sa personal na pagkakilala natin kay Kristo. Nagaganap ito sa patuloy na pag-unawa sa Banal na Kasulatan, pagninilay at pagdarasal. Nagbabago na ba ating pagkakilala kay Kristo? Tumitindi ba ang hangaring makilala si Hesus nang lubusan?

No comments: