22 Hunyo 2010. Paulinus Nola. San Juan Fisher. Santo Tomas More. Martes ng ika-12 Linggo ng Taon
2 Kings 19, 9-36; Psalm 48; Matthew 7: 6, 12-14
Ito ang kasukdul-sukdulan ng mabuting-asal: “Gawin niyo sa iba ang gusto ninyong gawin sa inyo.” Gawin natin sa iba ang nais nating gawin nila para sa atin. Kung gagawa tayo ng listahan kung paano tayo tratuhin ng iba, hindi tayo mauubusan. Gusto nating maging mabait sila sa atin at respetuhin nila ang ating pagkatao. Kung tutuusin, maraming puwedeng gawin upang ipakita ang kabaitan. Maraming halimbawa para tuparin ang pagpapakita ng paggalang. Hindi kailanman mauubusan tayo ng magagawa, at patuloy nating gagawin nang kusa. Lagi nating tatanungin, “Paano pa ako makakatulong sa iba?”
Pagdasal natin na hindi tayo mapagod sa pagpapaka-buti sa kapwa, hindi lamang upang maging mabuti sila sa atin kung saka-sakaling malulong tayo sa kahirapan, kundi isang pagsasalamin sa Diyos ang pagiging mabuti ang asal.
No comments:
Post a Comment