Paano Mo Malalaman Kung Galing sa Diyos o hindi?

23 Hunyo 2010. Miyerkoles ng ika-12 ng Linggo ng Taon
2 Kings 22, 8-13; 23, 1-3; Psalm 119; Matthew 7, 15-20

Hindi natin laging nakikita kung sa Diyos o sa masamang espiritu ang pinanggalingan ng isang bagay. Ngunit, wika ni Hesus na makikilala natin ang pinagmulan sa pamamagitan ng mga bunga nito. Malalaman natin kung sa Diyos pagnakita natin ang epekto nito sa iba. Kung ano ang pinag-ugatan siya rin ang bunga. Halimbawa, maraming nagpapakita ng kabaitan hindi dahil tunay ang hangaring maglingkod, ngunit dahil nais nitong manalo sa eleksiyon. Ibinubuwis ng tunay na pastol ang kanyang buhay para sa iba; samantalang ang may maruming hangarin nag-aambisyon lamang para sa kanyang sarili kapakanan. Nakikita sa kahuli-hulihan ang tunay na kulay ng isang tao. Kapag mabuti ang ating hangarin, kahit labis ang pinagtitiisan, magbubunga rin ito ng mabuti.

No comments: