24 Hunyo 2010. Pagsilang ni San Juan. Huwebes ng ika-12 Linggo ng Taon
Isaiah 49, 1-6; Psalm 139; Acts 13, 22-26; Luke 1: 57-66, 80
May mga taong nangunguna sa atin upang ihanda ang pagdating ng Diyos sa ating buhay tulad ng ginampanan ni San Juan Bautista sa buhay ni Hesus. Sila ang nagpakilala kay Hesus sa atin, tulad ng ating mga magulang at ang mga guro sa katekismo o sa eskuwelahan. Sila rin ang mga nagsilbing gabay na nagsasabi kung tama o mali ang ating ginagawa. Tulad ni San Juan, sila ang nagsisilbing konsyensya natin lalung lalo na kung nawawala tayo sa tamang landas.
Sa iba’t ibang lugar na patron si San Juan Bautista, binabasa nila ng tubig ang mga tao bilang pagpapaalala sa pagbibinyag niya sa Jordan. Ngunit mas makahulugan kung ibabaling natin ang ating tingin sa ating binyag. Inihanda ni San Juan ang mga tao upang magbagong-buhay. Tumiwalag na ba tayo sa ating lumang pagkatao upang maging tulad ni Kristo Hesus?
No comments:
Post a Comment