2 Kings 25: 1-12; Psalm 137; Matthew 8, 1-4
Noong mga panahon, hindi tinatanggap ng lipunan ang isang ketongin sa takot na mahawa. Sa kasalukuyan, nalulunasan na ang sakit na ketong. Ngunit may matutunan tayo sa kuwento ngayong araw. Unang-una, lumapit ang ketongin upang malinis ito. Isang pagpapakita ito ng pagtitiwala kay Hesus: lubusan ang kanyang paniniwalang magagamot siya ni Hesus. Pangalaw, mapagkumbaba ang ketongin sa kanyang pagdulog sa Diyos. Wika niya, “Ginoo, kung gusto mo, mapalilinis mo ako.” Alam na alam ng isang mapagkumbaba na Diyos lamang ang tangi niyang pag-asa. Buong-buo ang kanyang kalooban na wala nang siyang ibang makakapitan kundi ang Diyos.
Kung humihiling tayo ng tulong sa Diyos, buo ba ang ating pagtitiwala at pananampalatayang papahintulutan ng Maykapal ang ating pangangailangan?

No comments:
Post a Comment