Long Distance na Paggamot?

26 Hunyo 2010. Sabado ng ika-12 Linggo ng Taon
Lam 2, 2-19; Psalm 74; Matthew 8, 5-17

Nakalulugod ang pagturing ng kapitan ng mga Romano sa kanyang katulong. Noong unang panahon, walang halaga ang isang alipin. Walang pakialam ang amo sa kanyang mga naglilingkod sa kanya, tulad sila ng mga bagay. Ngunit iba ang sundalong ito: nalungkot siya sa malubhang kalagayan ng kanyang alipin. Dahil sa kanyang puso at pananampalataya, ginamot ni Hesus ang kanyang mahal na alipin kahit hindi niya ito kilala o nahawakan man lang.

Maraming mga taong malayo sa atin na nagkakasakit o nangangailangan ng kasama sa buhay at hindi natin sila matulungan dahil malayo tayo sa kanila. Kaya tulad ng pinamalas ni Hesus sa atin, maaari nating hilingin ang lunas para sa ating minamahal sa pamamagitan ng ating pananalig sa Kanya at ating mataimtim na dasal.

No comments: