Ang Puwang Para sa Kaaway

27 Hunyo 2010. Ika-13 Linggo ng Taon
1 Kings 19, 16-21; Psalm 16; Gal 5, 1-18; Luke 9, 51-62


Magkaaway ang Samaritano at ang Hudyo. Mas malapit ang daanan tungo sa Jerusalem kung papasok sa lalawigan ng Samaria. Ngunit iniiwasan ito ng mga Hudyo. Mas gugustuhin nilang kunin ang mahabang landas kaysa maka-enkwentro nito ang kanilang kaaway. Ngunit ang daan tungo Samaria ang tinahak ni Hesus. Isa itong pagpapakita ng pagkakaibigan sa mga taong malayo na sa Jerusalem. Ngunit hindi sila pinapasok. Sa labis na galit, nais ng mga alagad na pawiin ni Hesus ang buong bayan. Hindi pumayag si Hesus.

Marami din tayong hindi makasundo. Sila ang mga taong hindi tayo pinapansin o iniiwasan. Masama na rin ang ating mga hangarin sa kanila. Ngunit, ipinakita ni Hesus na maaaring natin silang bigyan ng puwang. Huwag silang ituring na kaaway ngunit mga kapatid na mamahalin. Mahirap itong gawin, hindi madaling matimpi tulad ng ginawa ni Hesus. Ngunit hindi rin itong imposible; kaya natin itong subukan.

No comments: