2 Tim 2, 8-15; Psalm 25; Mark 12, 28-34
Ang pagmamahal sa Diyos ang una sa lahat ng utos; pangalawa lamang ang pagmamahal sa ating kapwa. Bunga ng matinding karanasan ng pag-ibig ng Diyos sa ating buhay ang pagbabahagi nito sa ating kapwa. Dahil dito, hindi lahat ng mga taong mahal ang kapwa ang tunay na nagmamahal sa Diyos. Halimbawa, maraming hindi naniniwala sa Diyos ang may malasakit sa mga mahihirap. Nakikita nila ang halaga ng pag-aaruga sa kalikasan. Ngunit hindi nila pinahahalagahan ang gawaing espiritual tulad ng pagsisimba, pagninilay sa Banal na Kasulatan, o pakikiisa sa sambayanang Kristiyano sa pagsamba.
Sa kabilang banda, nagkakaroon ng puwang ang buhay-espiritual sa mga taong malalim ang pagmamahal sa Diyos. Sinisimulan at tinatapos nila ng panalangin ang kanilang araw. Hindi nila kinakaligtaan ang pagdalaw sa simbahan.

1 comment:
Mas mahalaga ba ang magkaroon ng puwang ang buhay-esprituwal ng isang tao kung ito ay napapaligiran ng mga taong nagdurusa? Marami ang mga nagpapapanggap na may pagmamalasakit sa kapwa at ang karamihan nito ay mga nagsasabing mahal nila ang Diyos. Ang mga taong ito ay nakatago sa kani-kanilang mga palasyo na tinagurian bahay daw ng Diyos.
Post a Comment