4 Hunyo 2010. Biyernes ng ika-9 ng Linggo ng Taon
2 Tim 3, 10-17; Psalm 119; Mark 12, 35-37
Hinihimok tayo ng Panginoong baguhin ang ating pagkakilala sa Kanya. Isa itong palatandaan ng pagtubo sa ating pananampalataya. Tinatawag ang Mesias bilang Anak ni David: naniniwala silang ang Mesias ang magliligtas sa kanila sa kamay ng mga Romano at itatayo nito ang kaharian ni Haring David. Ngunit, tinawag din si Hesus bilang “Lord” na ginagamit lamang upang itukoy si Yahweh. May paniniwala na ang Mesias ang siya ring magpapanauli sa ating ugnayan sa Panginoon.
Maaring magbago ang pagkakilala natin sa Panginoon sa habang panahon ng pagdarasal at pagninilay. Nakikita ito sa pagtawag natin sa kanya. Sa pagkabata, tinuturing natin Siyang magulang: natatakot tayong parusahan. Sa pagbibinata o pagdadalaga, nagiging kaibigan si Hesus, kaya Kuya Jess, ang tawag natin. Tulad ng lumalago at lumalalim na pagkakaibigan, nagbabago ang pagkilala natin sa Diyos.
No comments:
Post a Comment