Gaano Ba Katotoo ang Pagpapasalamat Mo sa Diyos?

13 Hunyo 2010. Ika-11 Linggo ng Taon
2 Sam 12, 7-13; Psalm 32; Gal 2, 16-21; Luke 7, 36-50


Mas malaki ang utang na loob ng isang taong matindi ang nagawang kasalanan kaysa ang taong hindi mabigat ang pagkukulang. Kailangan ito ng paglilinaw: hindi ibig sabihin kailangan nating gumawa ng kahalangan para maramdaman natin ang tindi ng pagmamahal ng Diyos. Pinapahiwatig nito na mali ang akala na ang mga banal at malinis ang nararapat lamang na lumapit sa Diyos. Maraming piniling makasalanan ang Diyos upang maging pinuno ng sambayanang Kristiyano. Isang mamamatay-tao si Dabid, Moises at San Pablo. May lamat ang buhay nina San Agustin at San Ignacio. Ngunit dahil labis ang kanilang pasalamat na pinatawad sila ng Diyos sa kabila ng kanilang nagawang karumaldumal.

Kadalasan hinihintay natin ang panahong ganap na malinis ang ating budhi. Saka na magkakalakas-loob tayong lumapit sa Diyos. Ngunit hindi nagkakatotoo ito; laging nababahiran tayo ng dumi. Pagdasal natin na hindi tayo matatakot na lumapit sa Diyos sa lahat ng oras.

No comments: