12 Hunyo 2010. Kalinis-linisang Puso ni Maria
1 Kings 19, 19-21; Psalm 16; Luke 2, 41-51
Natural sa isang magulang labis ang pagmamahal sa anak ang mag-alala. Nabagabag si Maria nang malaman niyang wala sa kanyang mga kamag-anak na galing sa Jerusalem si Hesus, kaya kasabay ni Jose, sinuyod nila ang kanilang dinaanan. At tunay ngang naratnan nila si Hesus sa templo, kausap ang mga guro na namangha sa talino at tanong ni Hesus sa kanila. Nang inusisa ni Maria si Hesus, sagot nito: “Hindi ba ninyo alam na dapat nasa bahay ako ng aking Ama?” Iningatan ni Maria ang alaalang ito ng kanyang Anak.
Kahit nangaling sa atin ang ating mga anak, may mga bagay na nasa kamay lamang ng Diyos, tulad ng kanilang kinabukasan. Pinapalaki natin sila upang sa tamang panahon ng paghihiwalay, baon-baon nila ang mga bagay na makakatulong sa kanilang hinaharap. At ang iniingatang yaman na naiiwan ang alaala.
No comments:
Post a Comment