16 Hunyo 2010. Miyerkoles ng ika-11 Linggo ng Taon
2 Kings 2, 1-14; Psalm 31; Matthew 6: 1-6, 16-18
Mahalaga para sa isang Hudyo ang mabubuting-gawa lalung lalo na ang pagbibigay ng limos sa mga nangangailangan. Mas mahalaga pa ito kaysa anumang alay na inilalagay sa altar ng Panginoon. Ngunit iniingatan na hindi pakitang-tao lamang ang pagpapakabuti. Maaaring gamitin ng madungis na budhi ang isang mabuting gawain upang matamo nito ang isang makasariling hangarin tulad ng mga pagpapakitang-tao ng mga pulitiko na hindi kapakanan ng mamamayan ang tanging hangad kundi ang manatili sa luklukan ng kapangyarihan. Makikita natin ito sa mga larawan sa diyaryo: nagdadasal, nagbibigay ng donasyon, nagpapakitang-gilas kapag malapit na eleksiyon.
Sa ating buhay, may mga kabaitan tayong ginagawa kahit hindi ito totoo. Pagdasal natin na makita natin ang ating mga motibasyon upang lalung maging makatotohanan ang ating buhay.
No comments:
Post a Comment