15 Hunyo 2010. Martes ng ika-11 Linggo ng Taon
1 Kings 21, 17-29; Psalm 51; Matthew 5, 43-48
Agape ang salitang ginamit ni Hesus sa utos niyang mahalin natin ang ating mga kaaway. Ito ang kapangyarihang mahalin ang mga taong hindi natin gusto o mahirap nating mahalin. Hindi kailangan sa agape ang nararamdaman ng puso, tulad ng pagmamahal natin sa ating mga magulang, kaibigan, at kasintahan. Sa agape, kinukusa at sinasadya natin itong pag-ibig. Anumang galit natin sa kanila, hindi natin hinahangad silang mapariwara o mapunta sa masama.
May kailangan tayong gawin upang maipatupad ang utos na mahalin ang ating mga kaaway. Halimbawa, maaari natin silang patuloy na pinagdarasal. Dahil mahirap itong magampanan, kailangan natin ang tulong ng ating Panginoon. Napapawi lamang ang sama ng loob kapag inihahain natin ito sa ating Diyos.
No comments:
Post a Comment