1 Kings 21, 1-16; Psalm 5; Matthew 5, 38-42
Note: The daily Filipino reflections here also appears in Pandesal 2010, the bible diary of the Claretians. I wrote the April-June 2010 reflections.
Mahalaga sa Hudio ang pagbibigay. Tuwing ikapitong taon, nakaugalian ng mga Hudio ang ipasawalang-bisa ang lahat ng utang. Para sa kanila, hindi dapat tinatanggihan ang taong nangungutang. Darating ang panahon ng paghihikahos at baka tayo naman ang mangutang. Sinasabi ng turo ng mga Hudio na kailangang ang binibigay natin ang batay sa pangangailangan ng tatanggap. Ibig sabihin, hindi basta na lang tayo nagbigay, ngunit kailangang pinag-isipang maigi.
May natatanggap tayong hindi napag-isipan tulad ng mga abubot na walang kuwenta sa isang taong maliit lamang ang silid-tulugan. Kailangan pagisipan ang ating regalo sa ating kapwa; sa gayo’y nakikita ang ating pagkakilala sa kanila.

No comments:
Post a Comment