Nahusgahan ka na ba?

21 Hunyo 2010. Lunes ng ika-12 Linggo ng Taon
2 Kings 17, 5-18; Psalm 60; Matthew 7, 1-5


Inuutos ni Hesus na huwag tayo humusga sa ating kapwa. Bakit? Unang-una, hindi natin alam ang lahat-lahat ukol sa tao. Laging hindi sapat ang ating pag-unawa sa isang partikular na tao. Hindi natin alam ang bigat ng kanyang dinaraanan o pinapasan. Hindi natin ganap na maiintindihan kung bakit nakabitiw siya ng ganoon mga nakasasakit na salita, o nakagawa ng nakakahiyang bagay. Kahit alam natin ang sitwasyon dahil nadaanan natin ito, hindi lahat ng tao kasinglakas at tatag natin. May mga suliraning madali natin gawin, ngunit hindi madaling lunasan ng iba. Higit sa lahat, naging may bahid ang bawat paghatol natin sa kapwa lalung-lalo sa mga hindi nating kasundo. At sino sa atin ang malinis at ganap upang karapatdapat na humusga ng iba?

Pagdasal natin na hindi mabagsik ang ating mga pag-uugali lalung-lalo na ang pagmamataas na nakikita sa ating paghatol sa iba.

2 comments:

Vicente Restituto said...

Walang nakakaalam kung ano ang layunin ng isang tao kung bakit siya ay nakagawa ng isang karumal dumal na kasalanan. At wala din sa atin ang ganap upang karapatdapat humusga ng iba. Sa inyong mga mata ay maaring maunawaan kung bakit ang isang tao ay nakapagbitiw ng masakit na salita, o nakagawa ng “nakakahiyang” bagay. Madaling magsabi na “unawain” dahil hindi siya “kasinglakas” at “tatag” natin, ngunit sa taong mga napagbitiwan ng masasakit na salita, at lalong lalo na ang mga biktima ng mga “nakakahiyang” bagay, ito ay mahirap unawain at walang kapatawaran.

Unknown said...

Tama po kayo: madaling sabihin, mahirap gawin. Kahit ako, kapag ako ang naging biktima, hindi madali. Pero, kailangang pa rin pagsikapan.

Kung hindi, lahat tayo mamamatay kung ok lang ang gumanti.

Dahil maraming galit sa Simbahan, patay na rin sana ako ngayon (at yung ibang nagbitiw na masasakit na salita sa akin).

Pero hindi: may mga bagay na mas karapatdapat sa isang taong may karangalan.

Salamat sa inyong pagbabahagi. Ingat po kayo.