Pagpapakabanal sa Pang-araw-araw

29 July 2010 Sta. Martha
1 John 4, 7-16; Psalm 34; John 11,19-27


Hindi natin madalas mapansin ang mga bayani ng pangkaraniwang buhay. Mga nanay na naghahanda ng pagkain araw-araw. Mga tatay na nagbabanat ng buto para may maihain sa hapag-kainan. Mga kapamilyang iginugugol ang buhay para sa mabuting kapakanan ng kanilang mahal sa buhay.

Sila ang mga banal na kabilang sa mga angkan ni Santa Marta. Siya ang nag-alaga sa kanyang mga kapatid na sina Maria at Lazaro. Siya rin ang tumanggap at umasikaso kina Hesus at sa Kanyang mga alagad.

Ang mga banal ang bayani ng pananampalataya. Ngunit hungkag ang pananampalataya kung hindi ito isinasabuhay. Maraming mga banal ang kilala sa kanilang pagkamatay; sila ang ating mga martir. Maraming mga banal ang kilala sa kanilang mga isinulat na nagpapaliwanag sa mga misteryo ng pananampalataya; sila ang mga doktor ng Simbahan.

Ngunit ang pagpapakabanal ay hindi lamang sa iisang bonggang-bonggang kamatayan o kasulatan. Hindi lang ito nangyayari sa iisang pagkakataon lamang. Mas mahirap ang araw-araw na pagpapakabanal lalo na kung nasusubukan ang ating pasensya.

Kumustahin natin ngayon ang ating buhay-espirituwal sa pangkaraniwan.

No comments: