I Need Someone with Skin




Meron akong kuwento. Takot si Jeremy sa dilim kaya tinawag niya ang kanyang nanay. Sabi ni Mommy Luisa, “Huwag kang matakot sa dilim, anak; lagi mong alalahaning laging naririto ang Diyos.” Sagot ni Jeremy, “Opo alam kong sinasamahan ako ni Papa Jesus, but I need someone with skin!”

Totoo ang sinabi ni Jeremy. Kailangan nating lahat ang isang taong may katawan na magpaparamdam ng pagmamahal sa atin. Wika ni San Ignacio de Loyola, “love ought to be shown more in deeds than in words.” Ayaw natin ng “drawing” o pangako lamang - gusto nating makita, maamoy, madama ang pag-ibig na pinapapangako sa atin.

Mahalaga sa atin ang pagkakatawang-tao ni Hesus. Alam nating malalapitan si Hesus dahil naramdaman niya ang pagkabigo at naranasan niya ang dinadala ng bawat tao. Kaya kahit alam nating naririto ang Diyos, kailangan pa ring dalawin ang maysakit, painumin ang mga nauuhaw, at pakainin ang mga nagugutom. Pagdasal na makita natin ang Diyos sa ating praktikal na buhay.

2 comments:

Nant said...

Fr. Jboy magandang araw! yun pung huli po ang corporal works of mercy? tama po ba? nababawasan po ba ang ating kasalanan kapag gumagawa nuon?

Unknown said...

Hindi nababawasan (dahil sa kumpisal nawawala ang lahat, kung Katoliko ka), ngunit mas nagiging mabuti ka. Kung nagiging mabuti ka, mas naiiwasan mo ang magkasala sa iyong sarili, sa kapwa, sa Diyos, sa kalikasan. :)

Kung gagawin mo ang mga corporal works of mercy, nagiging katulad ka ng ating Panginoong Hesukristo. :D