Nahahati Ba ang Pag-ibig?




May nagtanong sa akin: sinasabi kong ang first priority ko ang aking pamilya, ngunit bakit dumadating ang panahong kailangan kong piliin ang aking trabaho para sa kanila? O isang estudyante naman ang nagbahaging mahal niya ang kanyang girlfriend, ngunit, may mga oras hindi maaaring bitawan niya ang kanyang pag-aaral kung nagyayaya siyang lumabas. Nahahati ba ang pag-ibig?

Frederick Buechner said that the first stage of love is to believe that there is only one kind of love; the middle stage is to believe that there are many kinds of love; and the final stage is to believe that there is only one kind of love. Kapag na-iinlove tayo, iisa lamang ang ating nararamdaman. Laging gustong magkasama at magkadikit. Kapag nayayakap at taimtim na nag-uusap, buong buo ang ating karanasan. Ngunit kung magpakasal at magka-anak, ang pag-ibig ng mag-asawa ay nahahati: sa anak, sa trabaho, sa kanya-kanyang pamilya.

Subalit sa kahuli-hulihan, lahat ng ginagawa natin ay nasa ilalim ng iisang pag-ibig. Iba’t ibang pagpaparamdam ng pag-ibig ngunit lahat ito ay nasasaklaw sa iisang malalim na pagmamahalan. Minsan hindi nakakatulong ang paghahati. Mahalin mo silang lahat! Pagdasal natin na lahat ng ating buhay ay napapaloob sa pinaka-malalim at mahiwagang pag-ibig ng Diyos.

No comments: