Huminto Nang Sandali at Magnilaynilay




Habang papalapit na ang pagtatapos ng maraming mga estudyante at pagsisimula na ng bakasyon, makatulong nawa ang aking kuwento. Nangyari ito noong mga panahon sa Africa. Dala-dala ang maraming gamit ng mga bagong salta sa misyon, pinabilisan ng mga misyonero ang karwahe.

Pagkatapos ng ilang sandali, huminto nang bigla ang lahat. At ayaw ng mga alipin na magpatuloy. Nagtaka ang mga pari kaya nagtanong sila sa kanila. Bakit hininto ninyo ang lahat? Anong nangyari? Walang sumagot noong una. Hanggang sa lumabas din ang katotohanan: “Pinabilisan namin ang paghakot at pagdala ng mga gamit sa utos po ninyo, hangga’t hindi na mahabol ng aming mga kaluluwa ang aming mga katawan.”

Mga kapamilya't kaibigan, may mga oras bang naghahabol ka ng oras? Mabilis na mabilis ang iyong mga araw, na para bang hindi ka na makapag-isip nang matino; para bang hindi na mahabol ng iyong kaluluwa ang iyong katawan? Kung ganon, ipagdasal natin na magkaroon ng panahong huminto at magnilay sa darating na bakasyon lalu na sa panahon ng Kuwaresma. 

No comments: