Sa
panahon ng Kuwaresma o Lent, pinagninilayan natin ang mga mahahalaga sa ating
buhay. Kasama sa pinag-iisipan ang halaga ng mga materyal na bagay. Meron akong
kuwento. Si Lolo Jose at ang kanyang apo na si Henry.
Sabi
ni Henry: Paglaki ko, sisiguraduhin kong ma-abilidad ako.
Tanong ni Lolo: "Pagkatapos?"
“E, di magkakaroon ako ng business,” sabi ni Henry. "Tapos?" sagot ni Lolo.
“Tapos, yayaman ako. Magtatayo ako ng malaking bahay.” "Tapos?" tanong ni Lolo.
“Tapos, tatanda ako, mare-retire, e-enjoyin ko na ang aking pera.” sabi ni Henry.

"Tapos?" tanong uli ni Lolo. Nainis na si Henry, “E pagkatapos, mamatay na ako.”
Sagot ni Lolo Jose, “Pagtapos mamatay, anong mangyayari?”
Mga kaibigan, meron ka bang ambisyon na maaaring may sagot pa rin sa huling tanong ni Lolo Jose? Pag-ibig kaya?
Pagdasal nating hindi natin makaligtaan ang mga bagay na hindi mapapawi kailanman.
No comments:
Post a Comment