Maging Bukas-Palad sa mga Kapus-Palad





Pag-iisipan natin ngayon ang ugnayan ng ating pag-aalay-kapwa at ng inaasam nating kaligayahan. Para sa ating lahat, ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagsasakripisyo. May ibang nag-aayuno sa iba’t ibang uri ng pagkain, o umiiwas sa mga bagay na kinagigiliwan natin tulad ng video games at Facebook.

Noong unang panahon, nag-aayuno ang mga tao sa panahon ng Kuwaresma, upang makatipid at maka-ipon ng pera para sa mga nangangailangan sa kanilang mga komunidad. Ibig sabihin ang anumang uri ng pagsasakripisyo ay para sa kapwa. Kaya tinatawag itong “alay-kapwa.” Tinatalikuran natin ang ating pagkamakasarili upang maging bukas-palad sa mga kapus-palad.

Saan papasok ang kaligayahan? Hindi ba’t kakaibang saya at kapayapaan ang ating nararamdaman kapag tayo ay nakatutulong sa kapwa? Sa madaling salita, kaligayahan ang resulta ng anumang pagbibigay. Kung ang lahat ay magbibigay, mai-aahon natin sila sa kahirapan. Ipagdasal natin na maisabuhay ang turo ng Kristo, mapasaya natin ang ating kapwa at ang buong “Sambayanan ng Diyos.” 

No comments: