Alam
niyo ba kung saan nagsimula ang Daan ng Krus na ginagawa natin tuwing Mahal na
Araw? Nagsimula ang daan ng krus bilang isang peregrinasyon o pilgrimage.
Naglalakbay tungo sa Jerusalem ang mga taong may mabigat na dinadala,
penitensiya o debosyong kailangang gampanan, o mga may espesyal na hinahangad
sa Maykapal. Naniniwala silang may biyayang ipinagkakaloob ang Diyos sa mga
sumusunod sa Kanyang yapak tungo sa kanyang pagpapakasakit at kamatayan.
Hindi
lahat ay nakapupunta sa Jerusalem, lalo na ang mga mahihirap. Ngunit malaki ang
naitutulong nito sa mga naglalakbay. Nabubuo nila ang isang komunidad ng mga
kapwa-manlalakbay at dahil dito, lalong naaalagaan nila ang kanilang mga kasamahan
hanggang makarating sa “Via Dolorosa” o Daan ng Kapighatian, ang daan tungo sa
Kalbaryo. At dito umusbong ang ginagawa natin ngayon.
Dahil
dito, ang sinumang hindi makapupunta sa Jerusalem ay maaaring maglakbay pa rin
sa pamamagitan ng imahinasyon. Bagaman hindi nagagawa ang tunay, natatanggap pa
rin natin ang mga biyayang dulot nito. Ipagdasal natin na hindi lamang gawing
mekanikal ang daan ng krus, kundi taimtim na mapagnilayan at maisabuhay ang
pagmamalasakit ng ating Poong Hesukristo.
Isang makahulugang Semana Santa po sa
inyong lahat.
No comments:
Post a Comment