Ang Sukatan ng Tagumpay ay Nasa Lalim ng Naratnan
Happy Easter po sa inyong lahat!
Ngayon po ipinagdiriwang natin ang tagumpay ni Kristo sa kamatayan! Ano nga ba ang tagumpay? Nasusukat ba ito sa taas ng iyong pinag-aralan, o sa posisyon na iyong hinahawakan? Sino ba ang matagumpay: ang isang mayor na nangungurakot o ang isang janitor na may malasakit? Sa mata ng mundo, ang buhay ni Kristo ay puno ng kabiguan. Namatay siya bilang isang kriminal.
Noong unang panahon, ang krus ay simbolo ng mga suwail sa gobyerno. Kung isusukat natin ang pag-unawa ng tagumpay ngayon, ang buhay ni Kristo ay hindi kailanman maituturing na tagumpay. Ngunit sa mata ng Diyos at ng nananampalataya, ang sukatan ng tagumpay ay wala sa layo ng narating kundi sa lalim ng naratnan.
Wika ni Kristo, Walang hihigit pa sa pagmamahal ng isang kaibigang handang ibuwis ang buhay para sa kanyang katoto. Ito mismo ang nakalilimutan natin. Wika ni Mother Teresa ng Calcutta, “We forget that we are meant for each other.” Ipagdasal natin na ating magawang ituring na tagumpay ang isang bagay kapag ang ating gawain ay nakatulong sa pagkakaisa at pagbubuo ng sambahayan ng Diyos.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment