Mabuting Magbakasyon sa Sariling Bayan
Kumusta po ang iyong pagbabakasyon? Marahil marami sa inyo ang nakauwi sa inyong mga sariling bayan. May kuwento ako. Bored na bored na sa kanyang buhay si Mang Pedring. Para sa kanya, nakawawalang-gana ang paulit-ulit na ginagawa niya sa buhay. Isang araw, may bumisita sa kanyang lalawigan. Ikinuwento nito ang isang Siyudad ng Kaligayahan.
Nilisan niya ang kanyang bahay upang pumunta sa Siyudad ng Kaligayahan. Sa kanyang paglalakbay, nakarating siya sa isang kagubatan at nagdesisyon siyang mamahinga. Upang hindi mawala, ginawa niyang palatandaan ang kanyang sapatos. Kung saan ito nakaharap doon niya ipagpapatuloy ang kanyang paglalakbay.
Napadaan ang isang pilyong lalaki, at binaliktad nya ang sapatos ni Mang Pedring. Nang malapit na siyang makarating, nagulat siyang ang Siyudad ng Kaligayahan ay tulad ng kanyang pinanggalingan.
Mga kapamilya, walang kasingtulad ang bumalik sa ating pinanggalingan lalung-lalo na kung matagal na tayong hindi nakauwi.
Ipagdasal natin ang mas malalim na pagpapahalaga sa ating mga sariling bayan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment