Nawa'y May Kahulugan ang mga Bagay sa ating mga Bahay
Paano ba magpalaki ng mga anak na may pinaninindigan at prinsipyo sa buhay? May matututunan tayo sa mga coffee shops sa ating paligid. Hindi ba tayo nagtataka kung bakit mahal ang kape? Ang hindi natin alam, binabayaran natin ang tinatawag na “ambience.” Ang ambience ay ukol sa ating kapaligiran.
Ang mga values o pinapahalagahan sa ating mga pamilya ay naibabahagi sa ating mga anak sa pamamagitan ng mga nilalagay nating mga ‘dekorasyon’ sa bahay. Kapag nais nating maging maka-Diyos, kailangang may mga magpapaalala sa kanila ukol dito tulad ng mga larawan ni Hesus, Maria at mga banal sa pananampalataya. Kapag nais natin silang maging maka-tao at maka-bayan, nagigisnan nila ang ating mga bayani tulad ni Gat Jose Rizal.
Kapag nais natin silang maging mga taong pinapahalagahan ang pamilya, kailangang sa unang pagdating nakikita nila ang larawan ng iba’t ibang miyembro ng pamilya. Sa ating mga Pinoy, hindi nawawala ang larawan ng Huling Hapunan sa kainan, upang sa bawat pagsasalo-salo, salamin ito ng Hapunan ni Hesus at ng kanyang mga alagad.
Pagdasal natin na nawa’y may kahulugan ang mga bagay sa ating mga bahay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment