Ika-23 ng Disyembre 2007 Misa de Gallo
Is 7, 10-14; Salmo 24; Rom 1, 1-7; Mt 1, 18-24
Inilarawan ni Mateo ang pagkapanganak kay Kristo sa Ebanghelio ngayon. Si Maria at Jose ay nakatakda nang ikasal, nang nadiskubre ni Jose na nagdadalantao si Maria. Nais hiwalayan ni Jose si Maria, ngunit sa pamamagitan ng isang panaginip, ipinasya niyang tanggapin at pakasalan siya. Nanganak si Maria at ipinangalanang Emmanuel, kahuluga’y “nasa atin ang Diyos.” Ang kuwento ng Pasko ay hindi na iba sa atin, at taon-taon binabalikan at ginugunita natin ang kuwento ni Hesus. Ngunit kahit pabalik-balik na ang kuwento taon-taon, naririto pa rin tayong namamangha at walang sawang nagdiriwang ng Pasko. Dahil dito, ipinasya kong bigyan ng ibang interpretasyon ang kuwento para maisabuhay natin ito.
Unang-una: ang kuwento ng Pasko ay tungkol sa panganganak. Kagabi’y nakatanggap ako ng text galing sa matalik kong kaibigan, na nanganak na ang kanyang asawa ng isang cute na batang babae na ang pangalan ay Sofia Maria. Ngunit lalawakan pa natin ang pag-unawa sa panganganak. Ano mang bunga ng ating pagpapagal ay isang panganganak: isang natapos na proyekto, isang awit na matagal nang binubuo, isang nakamtang pangarap, isang mahusay na performance, isang kumpletong simbanggabi. Ang lahat na karanasang ito ay tatawagin nating panganganak.
Pangalawa: ang kuwento ng Pasko ay ukol sa isang pangarap na nagsilbing gabay sa buhay. Sa kuwento ni Mateo, ang pagpasyang kupkupin at pakasalan si Maria ay galing sa gabay ng isang anghel sa pamamagitan ng panaginip. Hindi ito ang unang pagkakataong narinig natin ang kahalagahan ng ating mga panaginip: nakamtan ni Joseph ang luklukan ng gobernador ng Ehipto dahil sa isang panaginip; nakamit ni Daniel ang paghanga ng hari ng Babylon dahil sa panaginip. Naniniwala sila noong unang panahon na ang Diyos at tao ay nakapag-usap nang walang balakid sa pamamagitan ng panaginip. Ang ating pag-unawa sa panaginip sa pamamagitan ng Psychology at Dream Analysis, tunay ngang nagpapatunay na ang ating mga panaginip ay maaring magsilbing gabay sa ating buhay --- at upang magbunga ang ating mga pagpapagal at pagsisikap. Our dreams motivate us to pursue its realization. In the light of our dreams and our goals, we can evaluate our present situation.
Ngunit kailan tayo nananaginip? Kadalasan sa ating pamamahinga, sa ating pagtulog, sa gitna ng gabi. Sa gitna ng gabi, kapag tahimik na ang lahat. When everything is quiet, we are able to get in contact with the purpose of our work and our actions. Sa gitna ng katahimikang ito, lumitaw ang anghel at bituin sa kalangitan upang liwanagan ang nasa kadiliman. Sa kalaliman ng gabi, isinilang si Hesus. “Silent night, Holy night, all is calm, all is bright.”
Ibig sabihin, kung nais natin magbunga ang ating pinagsisikapan, kailangan ng katahimikan. Upang hindi magkalat at manatiling naka-focus. Upang hindi mawala sa ating isip ang layunin at kahulugan ng ating mga ginagawa. To evaluate whether the things that we do lead us closer to the completion and fulfillment of our projects, our dreams, towards excellence in our performances. But it also helps us see through all of them. That we are not discouraged when we are already close to success. Often, we quit a few minutes before succeeding, a few remaining efforts before a new experience.
I believe this is Christmas. Christmas celebrates what is already certain: we are assured of success. We are assured of God’s continual presence: Emmanuel, God is with us. But, how to get there, is up to us.
No comments:
Post a Comment