Ika-22 ng Disyembre 2007 Misa de Gallo
Lukas 1, 46-56 Ang Puso Ko’y Nagpupuri
May karanasan na ba kayo ng labis na tuwa, na napakanta ka sa saya? Madalas ginagawa natin ito sa loob ng sasakyan, sa paglilinis ng bahay o sa paliguan. This is a spontaneous eruption of the human spirit, a way of expressing our satisfaction. Kapag sobrang inspired ka, kusang napapa-awit ka o napapasigaw bigla sa tuwa.
Ang Ebanghelio sa araw na ito ay isang awit ng tuwa, tinatawag na “Magnificat” --- galing sa Latin “Magnificat anima mea Dominum” --- my soul magnifies the Lord. Madalas tinatawag na Canticle of Mary o Awit ni Maria, isang awit ng papuri sa Diyos. Maraming dahilan kung bakit kusang napapa-awit tayo, at hindi pipitsugin kung Pilipino ang kumakanta: sobrang magaling ang Pinoy sa kantahan. Lalung-lalo na kapag naka-MP3 player o naka-KTV.
Binalikan ni Maria ang mga biyayang natanggap niya at sa bawat karanasan niya ng Diyos, namumukadkad ang kanyang puso sa pasasalamat. “Nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas. Nilingap niya ang kanyang abang alipin, at mula ngayon, ako’y tatawaging mapalad… dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan.” Anong dakilang bagay? Tinupad ng Diyos ang kanyang pangako ng habag mula pa kay Abraham at sa mga sumunod na salinlahi.
Dalawang salita ang alalahanin ngayong araw: pangako at habag. We possess two innate capacities: ang kakayahang mangako (the capacity to promise) at ang kakayahang magpatawad (the ability to forgive or to be merciful).
Unang una, ang kakayahang mangako. Walang katiyakan ang hinaharap. Our future is unpredictable. So, covenants, agreements, contracts and promises are islands of stability in an uncertain sea. Tulad ng pagpapakasal. Sinasabi ng ikinakasal: “Before God and His Church, I stand here of my own free will, ready to bind myself forever to love and serve you. I promise that I will remain faithful to you all my life.” Nagkakaroon ng panibagong buhay ang ikinasal, puno ng panganib at walang katiyakan maliban sa pangakong binitawan.
Pangalawa, ang kakayahang magpatawad. Sa pagpapatawad, pinapalaya natin ang mga taong sanhi ng ating mga sugat. Pinapalaya natin siya sa paghihiganti; from the natural or spontaneous course of revenge. Ang paghihiganti ay isang cycle: paulit-ulit, pabalik-balik at walang kinahihinatnan. Revenge is predictable. Saktan mo ako, maghihiganti ako. He who angers you controls you. Ngunit ang pagpapatawad ay hindi: ito ay isang himala. Forgiveness is a miracle. It is a surprise. When Pope John Paul II and Mahatma Gandhi forgave their assassins, we were surprised: it was not the natural course of things.
Ayon kay Maria, dakila ang Diyos dahil tinupad niya ang kanyang pangako ng habag --- his promise of mercy. Lahat ng tao ay hinahamon maging dakila tulad ng Diyos. Kung tinutupad lamang ng bawat isa, ng ating gobyerno, ng ating lipunan ang kanilang mga pangako, magiging maunlad ang Pilipinas. Kung may habag at pagpapatawad, makaka-iwas tayo sa gulo at magkakaroon tayo ng kapayapaan. Palagay ko, kung umunlad ang Pilipinas at mapanatili ang kapayapaan sa ating bansa, mapapasigaw at mapapakanta tayo sa tuwa.
No comments:
Post a Comment