Inakit Ka Na Ba?

22 Abril 2010. Huwebes ng ika-3 Linggo ng Muling Pagkabuhay
Acts 8, 26-40; Psalm 66; John 6, 44-31


Note: You will find this article in Pandesal 2010, the bible diary of the Claretian Publications.

Walang nakakalapit kay Hesus kung hindi siya unang inakit ng Diyos Amang nagpadala sa Kanya. Maraming paraang ginagamit ang Diyos upang mapalapit tayo sa Kanyang anak. Maaaring nagsisimula ito sa isang pagkakaibigan, sa inspirasyong nararanasan ng mga mang-aawit, o sa pagpapatawad ng isang labis nating nasaktan. Posibleng gamitin ng Diyos ang ating mga lungkot upang kumapit tayo sa kanya. May ibang bumaling sa Diyos nang sila’y nagkasakit o muntik nang mamatay.

Ang pang-aakit ng Diyos nararamdaman sa pang-araw-araw tulad ng tinapay na nagpapalakas sa ating buhay. Madalas hindi natin itong napapansin, dahil ordinaryong nangyayari tulad nang di-natin maalala ang pagkakaiba ng isang pandesal sa maraming pandesal sa almusal. Ano-anong paraan ang ginagamit ng Diyos upang maakit tayong lumapit kay Kristo?

No comments: