May Kasalo Ka Ba sa Buhay-Espirituwal?

23 Abril 2010. Biyernes ng ika-3 Linggo ng Muling Pagkabuhay.
Acts 9, 1-20; Psalm 117; John 6, 52-59


Note: This article appears in Pandesal 2010, the bible diary of the Claretian Publications in the Philippines.

Ang kumain ng laman at uminom ng dugo ni Kristo makakamtan ang buhay na walang hanggan. Napapabilang sa isang pamilya ang lahat na bumabahagi ng iisang tinapay at umiinom sa tubig na galing sa iisang pitsel. Miyembro ng iisang organisasyon ang mga taong alam ang kasaysayan at mga kuwento ng bawat isa. Nagpapanday sa barkada ang may pinagsamahan.

Ganito ang buhay Kristiyano. Kahit saan mang dako, iisa ang pinagsasaluhan: ang Katawan at Dugo ni Kristo Hesus. Kahit iba-iba ang kultura at hindi pareho ang paraan ng pagsamba, ang Katolikong Kristiyano nagkakabigkis sa iisang pag-ibig sa Diyos. Ang alaala natin sa kasaysayan ng pagliligtas nangagaling sa banal na kasulatang naririnig natin tuwing misa. Inaalala natin at pinagsasaluhan ang mga gawa at salita ni Hesus tuwing sumasamba at nananalangin tayo sa Kanya. At dahil dito, tinatawag natin ang ating Simbahan bilang ang Katawan ni Kristo.

No comments: