24 Abril 2010. Sabado ng ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.
Acts 9, 31-42; Psalm 116; John 6, 60-69
Note: This article appears in Pandesal 2010, the bible diary of the Claretian Publication in the Philippines.
Hindi lahat ng sinasabi ng Panginoon ang madaling maunawaan, paniwalaan at lalung-lalo na isabuhay. Inakala nila na hinihimok ni Hesus na maging kanibal ang susunod sa kanya. Kaya isa-isang lumisan ang dati Niyang kaibigan at alagad. Ngunit, ang tapat sa kanya tulad ni Pedro ang hindi lumisan.
Maraming mga bagay ang mahirap isabuhay kung se-seryosohin ang turo ni Hesus. Napabilang dito ang mahalin ang ating mga kaaway, at ang mga turo ukol sa pagpapatawad sa may sala sa atin. At dahil hindi madaling gawin ang mga salita ni Hesus, hindi natin ito pinakikinggan. Ngunit, alam natin na kung tatapatin at papipiliin tayo ng Diyos, alam natin na totoo ang kanyang mga salita. Magiging mapayapa ang ating buhay kung lahat natin tutuparin ang salita ng Diyos.
No comments:
Post a Comment