25 Abril 2010. Ika-4 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Acts 13, 14-52; Psalm 99; Revelation 7, 9-17; John 10, 27-30
Note: This article appears in Pandesal 2010, the bible diary of the Claretian Publications.
May tinig ang bawat pastol na kilala ng mga tupa sa kawan. Noong mga panahon, madalas magkakahalo ang mga kawan ng iba. Dahil dito, kailangang kikilalahanin niya ang bawat tupa na kanyang inaaruga. Sa kabilang banda, kailangang makikilala din siya ng kanyang mga tupa. Ang pagkakakilala ng pastol at tupa nabubuo lamang sa habang panahon ng pagsasama. Tulad ng pagkakilala natin sa magkapatid na kambal, hindi natin masabi ang kaibhan nilang dalawa hangga’t may pinagsamahan.
Maririnig natin ang tinig ni Hesus sa tagal na ginugugol natin sa pagdarasal. Sa paglipas ng panahon tumatatag ang ugnayan natin sa Panginoon. Habang tumatagal, lalung lumilinaw ang kanyang tinig; mas madali natin malaman ang kagustuhan ng Diyos. Sa gayon, hindi tayo nalilito kung sino ang susundan natin habang-buhay.
No comments:
Post a Comment