Paano Nagiging Tinapay ng Buhay si Hesus?

21 Abril 2010. Miyerkoles ng ika-3 Linggo ng Muling Pagkabuhay.
Acts 8, 1-8; Psalm 66; John 6, 35-40


Note: This article appears in Pandesal 2010, the Biblical diary of the Claretian Publications.

Si Hesus ang tinapay ng buhay. Hindi magugutom kailanman ang lumalapit sa kanya. Kailangan natin sa araw-araw ang tinapay; tulad ng pangangailangan natin sa kanin. Isa ito sa pinaka-ordinaryong bagay na mahalaga sa buhay. Pinapawi nito ang ating mga gutom. Pinapalakas tayo nito upang hindi tayo matalo sa anumang paghihirap na sasapitin natin.

Tulad nito si Hesus. Tinutugunan ni Hesus ang ating mga katanungan sa buhay. Matatagpuan sa ebanghelio ang iba’t ibang uri ng kasagutan sa ating mga tanong. Binibigyan tayo ng lakas ng loob kung humihina ang ating kalooban. Maraming bumagsak sa kanilang exam ang naging mapayapa dahil sa misa at iba’t ibang uri ng debosyon. May mga mabibigat na pasaning gumaan dahil sa umasa tayo sa tulong ng Maykapal.

2 comments:

Gold Believer said...

Galing mo pong mag-homily, Fr. Jboy. Tuwang-tuwa rin po ako nung narinig kitang nag-Recollection sa Parish namin (Immaculate Heart of Mary Parish sa Imus). Isa po ako sa mga umattend doon, ung bata poh na nag-God Bless sa inyo. God bless u po!

Unknown said...

Maraming maraming salamat po! Salamat din sa Diyos!

Ingat po kayo.