Nagkamali ka na ba sa Akala?

20 Abril 2010. Martes ng ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.
Acts 7, 51-8,1; Psalm 31; John 6, 30-35


Note: You can find this article in Pandesal 2010, the bible diary of the Claretians Publication.

Mga gawaing tulad ng manna sa disyerto sa panahon ni Moises ang kondisyon upang maniwala ang mga tumutuligsa kay Hesus. Sinabi ni Hesus na hindi galing kay Moises ang manna o ang tinapay na galing sa langit. Galing ito sa Diyos Ama. Siya ang nagbigay sa mga Israelita ng makakain upang hindi sila mamatay.

Maraming namamatay daw sa akala. Akala natin na galing sa atin ang ating mga kahusayan sa pag-awit, pagsayaw, o sa pag-aaral. Lumalaki ang ating ulo at nagiging mapagmataas tayo dahil sa pag-aakalang ito. Naniniwala tayo na galing sa ating sarili ang iba’t ibang mga tagumpay na nakamit natin sa buhay. Ngunit, hindi nagmula sa ating kapangyarihan ang lahat lahat na meron tayo. Iisa lamang ang pinanggalingan nito. Ibinigay sa atin ito upang gamitin sa paglilingkod sa kapwa. At ang paggamit ng mga kakayahang ito ang pagpapakita ng labis na utang na loob.

No comments: