19 Abril 2010. Lunes ng ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Acts 6, 8-15; Psalm 119; John 6, 22-29
Note: You'll find this post in Pandesal 2010, the bible diary of the Claretian Publications.
Binabalikan ng mga tao ang lugar na alaala ng pagpapakain sa kanila ni Hesus. At nang napuna nila na wala na roon si Hesus, labis nilang hinanap at sinundan si Hesus sa kabilang-ibayo ng Capernaum. At doon, sinabi niya na hindi na magugutom ang mananalig sa Kanya bilang sugo ng Diyos.
May mga lugar na nagiging makahulugan sa atin, lalung-lalo na kapag may kakabit itong magandang alaala. Maaring naranasan natin ang Diyos sa isang malalim ng pagkakaibigan o isang napakagandang lugar na pinagugatan ng pananampalatayang tunay. Kapag hindi na natin mapuntahan ang lugar na ito, hinahanap natin sa ibang pagkakataon ang karanasan natin ng banal, tulad ng mga paglalakbay sa Lourdes o pagdalaw sa Manaoag. Gaano ba katindi ang ating pagnanasang matagpuan ang Diyos na kaya nating maglakbay nang malayo makita lamang Siya?
No comments:
Post a Comment