Napariwara ka na ba?

26 Abril 2010. Lunes ng ika-4 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Acts 11, 1-18; Psalm 42; John 10, 1-10


Note: This article appears in Pandesal 2010: the bible diary of the Claretian Publications

Pintuan ng kulungan ng mga tupa si Hesus. Kabilang sa Kanyang kawan ang sinumang pumapasok sa pintuang iyon. Magnanakaw at mga tulisan ang sinumang hindi dumaraan doon. Ibig sabihin, pinuprotektahan ni Hesus ang kanyang mga kawan sa anumang panganib. Hindi hinahayaan ni Hesus na mapariwara ang kanyang mga tupa.

Marami sa atin ang nagdadala ng iba’t ibang bagay tulad ng mga rosario, krus at mga banal na imahen upang maramdaman ang mapagtanggol na puso ni Hesus. Napapawi ang ating mga takot kung may nakikita tayong nagpapa-alala sa pag-aarugang ito ng Panginoon. Alam natin na hindi galing sa mga bagay na ito ang kapangyarihan, ngunit nakakatulong ito upang maalala na may Diyos na hindi nagpapabaya.

No comments: