Acts 12, 24 - 13,5; Psalm 67; John 12, 44-50
Note: This article appears in Pandesal 2010, the bible diary of the Claretian Publication.
Nakapasok ka na ba sa mga madidilim na lugar tulad ng kuweba? Isang butil ng liwanag ang nagiging gabay natin sa paglabas sa mga lugar na ito. Sa iba’t ibang klase ng kadiliman napapabilang ang bawat tao. May nalilito kung ano ang tama’t mali. May nawawalan ng direksiyon sa buhay. May hindi alam ang gagawin kapag pinapapili sila sa dalawang bagay na mabuti. Mas madali ang pagpili sa isang masama at mabuti: siyempre dapat pipiliin natin ang mabuti.
Ngunit kakaiba kung dalawang mabuting bagay ang nakahain upang pag-isipan. Manatili sa bansa o makipagsapalaran sa ibayong dagat. Ang kursong hangad natin o nais ng ating mga magulang. Dalawang mabubuting manliligaw. Mag-asawa o pumasok sa pagiging relihiyoso. Hinahangad ni Hesus na sa anumang pagpipili, ang kagustuhan ng Diyos ang tanging tinatalima. Marami ang daan tungo sa liwanag. Ang makamtan ang tunay na Liwanag ang pinakamahalaga.
2 comments:
very striking message fr. jboy!
Thank you very much! Do take care.
Post a Comment