27 Mayo 2010. Huwebes ng ika-8 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
1 Peter 2, 2-12; Psalm 100; Mark 10, 46-52
Pinagaling ni Hesus si Bartimeo na anak ni Timeo. Nang makakita siya, sumunod siya kay Hesus sa daan sa Jerico. Bago nakakita si Bartimeo, tinanong siya ni Hesus kung ano ang gusto niyang gawin ni Hesus sa kanya. At tugon ni Bartimeo na sana makakita siya.
Kung tutuusin, alam natin ang gusto ng bulag: makakita. O ng bingi: makarinig. Bagaman alam na ni Hesus ang hihilingin ni Bartimeo, kailangang tanungin niya ito. Importanteng magkatugma ang akala natin sa tunay na kagustuhan ng tao. May mga maysakit na ayaw nang gumaling; kahit gusto mong gumaling sila. Alam ng Diyos ang pinakamabuti para sa atin, ngunit alam ba natin ang pinakamabuti para sa atin? Sa panalangin, nagkakatugma ba ang hangad natin at ng hangarin ng Diyos?
No comments:
Post a Comment