26 Mayo 2010. Miyerkoles ng ika-8 Linggo ng Pagkabuhay
1 Peter 1, 18-25; Psalm 147; Mark 10, 32-45
Nang sinabi ni Hesus ang kanyang sasapitin sa Jerusalem, lumapit ang mga anak ni Zebedeo at hiniling na luwalhatiin sila. Ngunit tinanong ni Hesus kung kaya nilang sapitin ang kanyang pagpapakasakit? Sumagot ang magkapatid na kaya nila, at sinabi ni Hesus na totoong darating ang panahon na sila rin ang magbubuwis ng buhay para sa Kanya. Subalit wala sa Kanya ang pagpaparangal.
Hindi tayo iba sa dalawang anak ni Zebedeo. Mahalaga sa atin ang parangalan, ang makilala, ang maging sikat. Mahalaga sa atin ang tinitingala ng maraming tao. Ngunit mas gusto nating makamtan ang pangarap na ito sa pinakamadali at sa lalong madaling panahon. Hindi natin alam na marami ang dinaanan ng mga taong nakamtan ito. Kaya ba natin harapin ang mga pagsubok sa daan tungo sa ating pangarap?
No comments:
Post a Comment